Home » » Sam Milby says that he will continue his US auditions to pursue his Hollywood dream

Sam Milby says that he will continue his US auditions to pursue his Hollywood dream

Written By Showbiz's Intriga Staff on Monday, May 28, 2012 | 1:57 AM

Hindi maiwasan ni Sam Milby na maging sentimental sa kanyang interview sa The Buzz dahil masyado siyang na-touch sa papuri sa kanya ng kanyang nakatatandang kapatid na si Ada. Matagal kasing nagkahiwalay ang magkapatid bago sila muling nagkita. Kaya naman tinanong si Sam kung gaano ka-espesyal ang relasyon niya sa kanyang ate.

“The fact that we are so close, I’ve never said this ever since I was little. We’re only 10 months apart. Irish twins kami,” pahayag ni Sam. “We’re both 28 ngayon, kahit noong bata ako… how much I really look up to her, in everything talaga.” Ganito rin daw siya nagkaroon ng interes sa skating dahil idolo niya ang kanyang kapatid. “I always followed what she did, I looked up to her,” aniya.

Para naman sa mensahe niya sa kanyang sister, ani Sam, “You don’t understand I how glad I am to have you here. It’s been so long, we haven’t been able to hang out. I don’t want you to go back (to the US). I want you to stay here and thank you for always being the role model and I love you, thank you.”

Samantala, ipinahayag din ni Sam na patuloy ang kanyang pagpupursige para makamit ang kanyang Hollywood dream. Aminado siya na hindi madali ang kanyang pag-o-audition doon. “Lalo na ‘yung first (time to audition) kasi dito sa Pilipinas kapag may pangalan ka na, hindi ka naman nago-audition, so ‘yung mga first auditions (sa US) nanibago ako.”

Kakagaling lang ni Sam sa US at aniya, marami niyang natutunan sa kanyang auditions sa pagsusumikap na maisakatuparan ang kanyang Hollywood dream. “Lalo kong naa-appreciate ‘yung nangyayari sa buhay ko dito, sa career ko dito,” pahayag ng aktor. Masuwerte raw siya na kahit ‘di na niya kailangang mag-audition sa mga proyekto ay ibinibigay sa kanya ang magagandang proyekto ng ABS-CBN. “But the (US) experience also, it was a confidence-booster para sa akin, it is Hollywood.” Aniya, maganda raw ang feedback na ibinigay sa kanya sa kanyang ginawang auditions at malaking compliment din daw na ang agent na kumuha sa kanya ay malaking pangalan sa Hollywood.

Nagkaroon din daw siya ng mga realizations sa kanyang ginawang US auditions. “I would say that for seven years (that) I’ve been in showbiz ako dito, nung nasa New York ako, sobrang na-inspire ako even with music, ‘yung love ko sa music, bumalik. I feel different. ‘Yung desire, ‘yung passion ko na gumaling sa craft, sa music, sa lahat, talagang gustong-gusto ko. This is what I wanna do. Ito talaga ang gusto kong gawin.”

Ibinunyag pa ni Sam na magpapabalik-balik siya sa US dahil tuloy ang kanyang auditions.

Samantala, si Judy Ann Santos diumano ang susunod na magiging kapareha ni Sam sa kanyang next teleserye. Nagkaroon na raw sila ng story conference at very excited siya sa role na kanyang gagampanan. “Iba. I like this character kasi medyo grey, hindi tipong Sam na romantic.”
Share this article :

Post a Comment

Visitor's

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2013. Showbiz Intriga - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger