Pasok na sa Top 6 ng American Idol (AI) Season 11 ang Filipina-Mexican singer na si Jessica Sanchez matapos niyang makalusot sa pinakabagong eliminasyon nitong Biyernes (Manila time).
Maliban kay Jessica makakasama niya ang mga AI finalist na sila Joshua Ledet, Skylar Laine, Philip Philips, Elise Testone and Hollie Cavanagh.
Samantala, hindi naman inaasahan ng nakakarami na ang singer na si Colton Dixon ang mapapauwi sa show.
Nitong Miyerkules (US Time), hindi man nakakuha ng standing ovation, muli namang napahanga ni Jessica ang AI judges na sila Randy Jackson, Jennifer Lopez at Steve Tyler sa version niya ng "Fallin" na pinasikat naman ni Alicia Keys para sa first round ng kumpetisyon.
Halo naman ang reaksyon ng mga manonood at mga hurado ng awitin ni Jessica ang kantang "Try A Little Tenderness," para sa second round.
Post a Comment