
Sa blessing ng bagong opisina ng Star Magic kahapon, January 9, sinundan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julia Montes kung may pagkakataon na magtatabi at magkakausap sila ng nali-link sa kanya ngayon na si Enchong Dee.
Hindi namin alam kung nalingat kami at may pagkakataon na nagkalapit din sila, pero wala kaming nakita na nag-usap man lang sila.
"Happy New Year. Happy New po! Happy New! Charos!" paulit-ulit na bati ni Julia Montes habang papalapit sa amin para sa interview na ito.
Mag-e-eighteen pa lang siya. Isang taon pa ang hihintayin ni Enchong Dee na napababalitang interesado siyang ligawan.
"Oo. Tagal pa. Bata pa ako.
"Test yun. Wala namang lalaking naghihintay, di ba? Test yun," nangigiti niyang sabi.
COCO'S LEADING LADY! Masaya naman si Julia dahil ipalalabas na ang kanilang teleseryeng Walang Hanggan na pambungad ng ABS-CBN ngayong 2012.
"Ayun, malapit na po, January 16. Next week na po. Next Monday na," banggit ng young actress.
Ano ang kanyang nararamdaman sa papalapit na pag-ere ng kanilang teleserye?
"Excited, pero may halo ring kaba, siyempre.
"Kasi siyempre, bagong Julia yung makikita nila dito, e.
"Kumbaga, kasi sa Growing Up, ang nakikita nila [sa akin] may crush-crush...puppy love.
"Dito kasi, more on love talaga.
"Kaya medyo mature yung role. Kaya, yun."
Ano yung feedback na nakukuha niya mula sa fans sa pagsabak niya sa mas mature na role?
"More sa excited sila sa Walang Hanggan. Kinakabahan sila kung...sa kissing scenes.
"And siguro may mga taong hindi maiiwasan na hindi sila ano sa amin ni Coco [Martin].
"Parang yung age [gap] nga daw. Ganyan-ganyan."
Si Julia ay 17 years old pa lamang, samantalang si Coco ay 30.
Okay lang ba sa kanya na medyo malayo yung edad nila ng kanyang ka-partner? Siya kasi ay magde-debut pa lang sa susunod na taon.
source by: http://www.pep.ph/index.html
Post a Comment