Home » » Gerald Anderson on Kim-Xian loveteam: "I'm one of their fans!"

Gerald Anderson on Kim-Xian loveteam: "I'm one of their fans!"

Written By Showbiz's Intriga Staff on Tuesday, January 10, 2012 | 10:43 AM

Gerald Anderson on Kim-Xian loveteam: "I'm one of their fans!"

"Isa 'yan sa pinaka-memorable moments sa buhay ko. Kasi talagang...hindi ko ini-expect, e.

"Hindi ko alam na nandun pala siya," pahayag ng Budoy star na si Gerald Anderson sa harap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media.

Pahayag pa ni Gerald matapos na mai-launch bilang bagong Jollibee Burger Steak endorser kanina, January 10, sa Jollibee store sa 3rd level ng SM Megamall Bldg. A., natuwa raw siya sa naging reaksiyon ng mga nakapanood ng pagbu-Budoy nila ni Jose.

Saad pa ng young actor, "Sobrang nag-enjoy yung mga tao, at nakapagbigay-inspirasyon sa mga tao, na nakita nila sa ginagawa namin ni Jose dun sa court.

"Nakita ko naman na sobra silang natutuwa, so...kami din. Natuwa ako, sobra!"

Isang special child o batang may sakit na Angelman's Syndrome ang character na ginagampanan ni Gerald sa Budoy.

At kahit na unti-unti nang nagiging normal si Budoy sa drama series, ang pagganap naman ni Gerald bilang ang may Angelman's Syndrome na Budoy ang gustung-gusto ng fans.

Tinanong tuloy ang 22-year-old na aktor kung hindi ba siya nagiging Budoy na may Angelman's Syndrome, paminsan-minsan.

"'Budoy' naman talaga ako, e," mabilis na sagot ng aktor.

"I'm a child inside. I'm a boy.

"So, alam mo yun, yung nakikita n'yo kay Budoy, talagang...ako rin. Ganun din talaga ako, e.

"Kaya naging natural din para sa akin."

Ina-acknowledge din ni Gerald ang mga nagawang positibo sa kanya ng Budoy, tulad ng pagkakaroon niya ng mas malalim na pang-unawa sa mga taong may special needs.

Ito rin ang nagtulak sa kanya para tumulong sa mga institusyon na kumakalinga sa mga ito.

Isa pa, ang kontribusyon ng Budoy sa paglawak ng kakayahan niya sa pagganap ng mga di-pangkaraniwang roles.

"Malaking 360 [degree] turn ang Budoy para sa buhay ko.

"And I'm really happy na nakapagbigay-inpirasyon ako sa TV at behind the camera," sabi pa ni Gerald.

NO LOVELIFE. Pero sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ngayon ng Pinoy Big Brother Teen Edition alumnus, tila hindi naman siya ganun ngayon sa usaping pag-ibig.

Kumusta na nga ba ang lovelife ni Gerald?


source by: http://www.pep.ph/index.html

Share this article :

Post a Comment

Visitor's

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2013. Showbiz Intriga - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger