Home » , , » Billy Crawford admits to being nervous in re-entering the international music scene

Billy Crawford admits to being nervous in re-entering the international music scene

Written By Showbiz's Intriga Staff on Thursday, April 5, 2012 | 1:49 PM


Sa katapusan ng Abril ay lilipad na si Billy Crawford para naman bigyang panahon ang kanyang international career. Matatandaang ilang beses nang naudlot ang pag-alis sa bansa ni Billy dahil na rin sa kanyang showbiz commitments dito sa Pilipinas.

Nakagawa na ng pangalan si Billy sa international music scene pero aminado siyang nakakaramdam pa rin siya ng kaba. “Siyempre, kahit naman ano’ng bagay kinakabahan pa rin. Kahit ano’ng sabihin mo kahit gaano ka kagaling, kung gaano ka ‘di kagaling, you still have to be nervous,” paliwanag niya.

Pero nanampalataya raw siya na magiging maayos ang lahat. “Nerbyos siyempre, natatakot, pero kakayanin. Kahit ano’ng sabihin ng tao, kung anuman ang naiisip ko, I just really have to do it. I trust the Lord naman and ibinibigay ko na lang sa Panginoon. Siya na ang bahala sa akin do’n.”

Maayos naman ang showbiz career ni Billy dito sa bansa pero aniya, ayaw raw niyang palampasin ang pagkakataon na muling buhayin ang career internationally. “There’s a window, there’s an opportunity. Kung sino man ang tao sa buong mundo, kahit artista o hindi man, ‘pag may opportunity pwede kang magtrabaho outside of your home at may chance na ipagmalaki ang iyong bansa, why not? Let’s just try.”

Sa darating na Black Saturday, ay ipapalabas ang pelikula ni Billy with Luis Manzano, Marvin Agustin, DJ Durano, Martin Escudero at John Lapus, ang comedy na Moron 5 And The Crying Lady. Kuwento niya, maraming dapat abangan sa pelikula lalo na sa mga gustong magkaroon ng “good time.”
“Kaming mga barkada, marami kaming ipapakita, kasi nagbibihis kami ng ibat-ibang disguises, gag lang after gag, after gag,” sabi pa nito.

Honored din si Billy sa pagkakataon na makatrabaho si Direk Wenn na kilala sa mga pelikulang naging blockbuster hits kagaya ng Praybeyt Benjamin at Tanging Ina Mo movies. “It’s a pleasure, it’s such an honor to work with someone like Direk Wenn na box-office director, from Praybeyt (Benjamin) to most all of his movies. It’s hard pero napakabait at napakasarap katrabaho ni Direk Wenn.”
Share this article :

Post a Comment

Visitor's

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2013. Showbiz Intriga - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger